A Hospitality Employer’s Wishlist

AllStories

Written by:

Sa karami-rami na ngayong nag-aaspire na magtrabaho and pahirap lang ng pahirap ang competition sa hiring scene. Para makatulong sa inyo, naghanda kami ng list of qualities na usually hinahanap ng mga employers of hospitality-based industries.

 

Jobs that Serves Smiles

 

1. Make the employer feel that you want the job

 

Iparamdam mo na gusto mo talagang magtrabaho sa company na inapplyan mo. With this, mararamdaman din ng employer na seseryosohin mo ang trabaho kapag ikaw ay natanggap. Importante rin na maramdaman nilang seryoso ka sa pagapply dahil ang trabaho na mainly nakacenter sa pagiging hospitable at accommodating sa customers ay hindi madaling gawin at hindi magiging maganda ang results kung hindi ka motivated, o napilitan lang.

2. Have a positive attitude

Dahil pinaka-importante sa company na inapplyan mo ang pagiging hospitable, importante rin na magbigay ka ng positive and good vibes naturally, kahit sa interview palang. Usually in hospitality-based establishments kailangan talagang masayahin ang employee dahil mahirap nga namang maging hospitable sa guests kapag masungit ka o palaging bad vibes. Attracted din ang customers sa positive aura kaya hinahanap talaga ito ng employer.

3. Honesty is the best policy

Sa hospitality-based establishment, importante ang honesty lalo na sa paghahandle ng customers. ‘Wag mag sinungaling sa interview— nagbabackground check ang employers para malaman kung totoo yung mga sinasabi mong experience, past jobs, etc. Mawawala ang credibility mo bilang isang trustworthy employee kung malaman nilang may hindi totoo sa sinabi mo.

4. Be flexible

Dahil sa tight competition ngayon sa working field and mahirap nang umasa na makukuha natin ang ating gusto (parang sa pag-ibig lang diba). Don’t expect na ibibigay sa’yo kaagad ang isang mataas na position o high-paying position. Maaari din na may ibang makakuha sa specific job na gusto mo at completely ibang trabaho ang i-offer sa’yo. Sa ganitong situation, mahirap na maging picky pa. Hangga’t kaya pa, magadjust-adjust nalang tayo. (Pero may chance rin naman na makukuha mo ang original mong gusto!)

5. Take initiative

Mahirap maging bahagi ng hospitality-based service— may mga oras na magkakaroon ka ng mga toxic o difficult customers. Dahil dito nagiging importanteng malaman ng employer na kaya mong maging independent; kasali dito ang pag-reresolve ng anumang problema ng customer na hindi na kailangang i-consult pa ang boss o manager mo, sa pag-gagawa ng mga simple decisions on your own, at iba pa. Major plus point ito sa kahit anong employer sa anumang industry.

Sana’y makatulong ang mga tips na ito! Good luck, ka-server!

Sign up na sa Servehappy.ph today and find that job where you can serve smiles.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *